Skip to main content

bente uno

posted from a friend's post.

fun truths by Bob Ong.
(malamang alam nyo na ito, gusto ko lang ilagay ulit dito).

21 Utos ni Bob-Ong

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, ‘wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba..”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sa ‘yo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka rin.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sa ‘yo, hayaan mo. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na rin sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo, wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sa ‘yo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog sya. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ring pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ung bida sa script na pinili niya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan; at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, huwag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sa ‘yo, kundi IKAW mismo!”

19. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa ‘yo kahit na pinasasaya ka nito. ‘Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

20. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

21. “Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka. Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

Comments

  1. pwede mag-dagdag?

    22. MAHALIN MO ANG NAGMAMAHAL SA IYO... WAG YUNG MAHAL MO...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

why do i hate mizuno

Mizuno sucks. BIG TIME. yup. you read that right. why? point #1: they are not a mainstream brand. mainstream in a sense that they don't even ha ve well-known product endorsers unlike other sports brands around the world. i mean, how can they expect their products to sell like pancakes if the y're like that diba? point #2: they do not promote much of themselves. not much print ads if you'd ask me. i work in a magazine publishing company and i don't see mu ch of their products splashed all over our magazines. i don't see them havi ng television ads too. not even in the newspapers does mizuno have anything that will lead people to buy their products. point #3: the products are not that "fashionable." as compared to other "mainstream" brands, you won't see you r regular juans and marias weari ng mizunos together with their jeans to the office. you don't see them usually wearing mizuno s when they go around the malls, walking, shopping, chilli...

can you ENDURE the HEAT?

maraming nag rereklamo sa init ng panahon. makalipas ang ilang buwang pagkalamig-lamig buong araw, ngayon naman ang tindi na ng init, lalo na sa tanghaling tapat. at dahil dyan, kailangang magpalamig! yung ibang mananakbo, tulad ng ilang Ultramarathoners, sinubukan na ang kasiyahan ng pagsali sa triathlon. PERO sabi nila, lamang pa rin ang ULTRAS kumpara sa TRI.  yung iba naman, gustuhin mang mag TRI eh nag iipon pa rin para sa bike. eh paano naman ung gusto lang mag multisport? san sila sasali?  bakit naman sila sasali dito?  this event was conceived primarily to serve as simulation for those joining the Ateneo Aquathlon slated on March 20, 2011. in line with the team's partnership with Microwarehouse, the official distributor of Blackberries in the Philippines, the team decided to make it open to the public as a way of sharing to the public the joys of multisport. Here is the write up from the organizers (which i am also a team member :) )  ENDURE is a buddin...

SURVIVOR International Marathon: Smart SIM 2009 (part 1)

i'm sure a lot of runner-bloggers already expressed their opinions towards the recently concluded Smart SIM 42K SURVIVAL Run held this weekend. this is just to summarize things from MY point of view, and MY OPINIONS. This was supposedly the "most prestigious" marathon in the Philippines (well so they say). if being prestigious means: 1. No water stations for most of the stretch of the SCTEX 2. No support stations allowed along the long stretch of the SCTEX 3. No light along the way 4. runners' safety along the long dark stretch of the SCTEX was unsure (even though the road was closed from motorists, the sheer darkness of the place can put an injured, dehydrated runner lost in the darkness) kahit na they say bring your own lights, ibang level pa rin ito. then i guess this is it. i think it could be likened to training for the BDM, pero sa BDM alam ko may ilaw, at may posibilidad to buy drinks/ hydration along the way. i've had a lot of friends from takbo.ph who had...